Bungad > Uncategorized > Maka-Pilipinong Lapit sa Pananaliksik at Service-Learning

Maka-Pilipinong Lapit sa Pananaliksik at Service-Learning


Maliwanag na nakikitang may problema sa bawat lipunan. May naniniwalang dapat tanggaping ganito talaga ang sistema. Mayroon din namang nagsasabing dapat baguhin ang sistema. Kung anuman ang nais tunguhin ng nag-aaral ng lipunan, mahalagang gawan ito ng pag-aaral. Maraming iba’t ibang pamamaraan ng pananaliksik, nandyan ang experimental, paggawa ng survey, Participant-observation, may pamamaraang maka-Pilipino at kung anu-ano pa. Dahil sa kinikilalang may roong pagkakaiba-iba ang bawat kultura, mas marapat sigurong pamamaraang maka-Pilipino ang ating pag-aralan.

Unang isinulong ni Virgilio Enriquez ang pananaw na bawat kultura ay may sarilng sikolohiya. At kasabay nito ang pagsusulong ng mga pamamaraan ng pananaliksik na angkop sa kulturang Pilipino. Sa ganitong uri ng pananaliksik, tinitingnan kalahok at kapwa mananaliksik ang mga paksa ng pag-aaral. Nakakakalap ng mga impormasyon ang mananaliksik sa mga umpukan o sa natural na sitwasyon. Iba-ibang lapit ang maaaring gawin hinggil dito. Maaaring:

Pakikipagkwentuhan – sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan sa isang umpukan, makakukuha ng datos na payak at tunay na galing sa karanasan ng mga kapawa mananaliksik.

Panunuluyan – sa pamamagitan ng tunay na pagtuloy o pagtira sa bahay ng mga kalahok sa pananaliksik ay madali ring makakakalap ng mga datos para sa pananaliksik

Pagdalaw-dalaw – may mga pagkakataong hindi kwayang gawin ng mananaliksik ang pagtira sa mga kapwa mananaliksik ngunit hindi nangangahulugang hindi namakakalap ng mahahalagang datos, maaaring gawin din ang pagdalaw-dalaw o pagpunta-punta sa paksa ng pag-aaral.

Pagtatanung-tanong – Ginagawa rin ang pagtatanungnong sa pagkalap ng mahahalagang kaalaman subalit sa ganitong lapit, hindi kailangang direktang itanong ang mga nakahandang katanungan kung meron man. ang ginagawa rito ay pagtatanung-tanong mula rin sa mga kaisipang lumulutang habang nasaumpukan.

Pakikiramdam – sa maraming pagkakataon, hindi kaagad-agad nakapagbubulalas ng nilalaman ng kalooban ang mga tao sa mga taong hindi kakilala. Ito ang kinikilala sa pakikiramdam. Kailangang gamitin ang pakiramdam ng mananaliksik kung ang kapwa niya mananaliksik ay handa na o nasa yugto na ng “hindi ibang tao” bago magtanung-tanong.

Pakap-kapa – sa ganitong pamamaraan, ang lahat ng datos ng mananaliksik ay mula sa kapwa mananaliksik. Hindi kinakailangang mayroon na silang kaalaman sa pag-aaralan bago magtungo at gumawa ng pananaliksik.

Anuman ang pamamaraang nais gamitin, ang mahalaga ay kinikilalang kapwa tao ang bawat kalahok sa pag-aaral.

Service-Learning

Mahalagang hindi naiiwan lamang sa apat na sulong ng klasrum ang mga napag-aaralan. Mahalagang magamit ang mga teoryang natutunan upang mabatid kung may katotohanan pa ito o hindi na. At mas magandang gawin ito habang tumutulong sa iba. Sa pangkalahatan, ito ang nilalaman ng Service-Learning kung saan ginagamit ang karanasan sa paglilingkod bilang mahalagang pinaghahalawan ng panibagong mga kaalaman. Mahalagang elemento ito sa pag-aaral ng lipunan.

Sa kabuuan, magandang pag-ugnayin ang maka-Pilipinong pananaliksik, ang konsepto ng Service-Learning at ang Critical Sociology upang hindi lamang nakapag-aamabag ng mga bagong kaalaman ang mga mag-aaral kundi nakatutulong pa sila sa lipunan habang nagsusulong ng pagbabago.

Mga Kategoriya:Uncategorized
  1. larrah
    09/10/2010 bandang 15:40

    pwede po bang magtanong kung ano ang ibig sabihin ng kaisipang nasa pagkakaisa ang tagumpay?

  2. yannie
    20/11/2012 bandang 14:37

    ma’am my english version na?nahihirapan akong maintindihan..

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng puna