Home > Uncategorized > kasaysayang naglilingkod sa bayan

kasaysayang naglilingkod sa bayan


iilang mga tao ang tunay na may interes sa pag-aaral ng kasaysayan. kung hindi lang ito kahingiian sa pag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo, malamang hindi ito mabigyang pansin. mahalaga pa nga bang pag-aralan ang kasaysayan.

halos iisa ang kahulugan ng history, ito ay ang pag-aaral ng nakalipas. subalit hindi ito ganoon kasimple. ang una ngang maaaring maging tanong dito ay bakit history at hindi herstory. ano ang ipinagkaiba ng dalawa?

ang history ay hindi lamang pag-aaral ng nakalipas kundi pag-aaral ng nakalipas mula sa pananaw ng kalalakihan. at dahil sa magkaiba ng pananaw ang kababaihan at kalalakihan, malamang na hindi naipakikita sa history ang pananaw ng mga kababaihan. kitang-kita ito sa mga tala kung saan halos lahat ng nagsisulat at naisulat ay kalalakihan. wala bang nagawa ang mga kababaihan?

iba rin ang history sa kasaysayan. mula sa salitang saysay ang kasaysayan. saysay na may dalawang kahulugan, may halaga at pagkwento. kung pagsasamahin natin, maaari nating bigyan ng kahulugan ang kasaysayan na pagkwento ng kaganapang may saysay. kapansin-pansing walang kasariang itinatangi sa kasaysayan hindi tulad ng history subalit bakit ganoon pa rin ang ating history, mga kalalakihan ang nagsulat at mga kalalakihan ang sikat. mayroon ba tayong kasaysayan?

maaari talagang sabihing wala tayong kasaysayan dahil una, hindi naman mga Pilipino o Indio ang nagsulat ng ating history; pangalawa, kitang-kita ang pagkiling sa kalalakihan ng history dahil mga kalalakihan ang nagsisulat nito; pangatlo, pananaw ng mga dayuhan ang ginamit ng karamihan sa nagsisulat nito; at panghuli, ang karamihan sa nagtuturo ng kasaysayan ay inuulit lamang ang mga dati nang nakasulat at hindi sinusuri ito.

sa sitwasyong ito, mas lalo nating dapat pag-aralan ang ating kasaysasayan – ang kasaysayang hindi simpleng paglalarawan ng nakalipas kundi isang mahalagang gamit upang buhayin ang pagmamamahal sa bayan. dapat din nating muling isulat ang kasaysayan at gawin natin itong atin at magsisilbi sa ating interes.

  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: