Home > Uncategorized > Sosyolohikal na Pananaw

Sosyolohikal na Pananaw


Ito ang natatanging pananaw na dapat batid ng mga nagsusuri ng lipunan.

Makita ang pangkalahatan sa partikular

Tinitingnan ng mga sosyolohista ang pangkalahatang pattern sa pag-uugali ng mga indibidwal na kasapi sa lipunan. Batid nating lahat na kahit iba-iba ang mga tao, hinuhubog pa rin ng lipunan ang kanilang kaisipan. Halimbawa nito ay ang kagustuhang pumuti ng isang indibidwal. Ang kagustuhang ito ay malamang hindi usapin sa bansang mapuputi ang mga tao.

Kapansin-pansin din ang kagustuhan ng lahat ng magulang na mapag-aral sa magagandang paaralan ang kanilang mga anak. Ito ang pangunahing kadahilanang ng marami nating kababayang sinusuong ang hirap sa ibang bansa. Naniniwala ang marami sa ating mga Pilipinong ito ang susi sa tagumpay. Ang indibidwal na kaisipang ito’y hinubog ng kaganapang panlipunan ng bansa – mga nakapagtapos lamang sa magagandang paaralan ang madaling magkaroon ng magandang trabaho.

Makita ang kakaiba sa pamilyar

Ginagawang sukatan ng pag-unlad ng probinsya ang pagkakaroon ng Jolibee sa kanilang lugar. Ganuon din sa mga beach sa bansa, naghahanap ang maraming Pilipinong turista ng mga naggagandahang hotel sa tabi ng dagat. Nakikita kasing mas maunlad ang lugar kapag nakita ang ganitong mga bagay. Subalit kung titingnang mas malalim, hindi ito kagandahan sa lugar. Halimbawa ay ang pagkakaroon ng Jolibee sa mga probinsya, bagaman at pag-aari ito ng kapwa Pilipino at bukas sa prangkisa, kawawa naman ang maliliit na negosyong nagsisimula pa lang ng katulad na negosyo kung sasabayan ng pagpasok ng mga higanteng kompanya.

Ganuon din ang nangyayari sa mga hotel na hinahanap ng mga turistang Pilipino. Kapansin-pansin sa Boracay ang pagdami ng naglalakihang hotel. Ang malungkot dito, walang kakayahan ang mga lokal na residenteng gawin ito subalit dahil sa demand, napilitan silang ipagbili ang kanilang mga ari-arian sa mga naglalakihang kompanya. Sa huli, kawawa ang mga lokal na residente.

Makita ang sariling kagustuhan sa isang malawak na kaisipang panlipunan

Bakit gusto mong pumuti? Bakit gusto mo ng tuwid at mahabang buhok? Bakit gusto mong maging seksi? Bakit gusto mong kunin ang kurso mo sa kasalukuyan? Sariling kagustuhan mo lang ba ito o ito o idinikta ng lipunan?

Kapansin-pansing sa tuwing manunood ka ng telebisyon, ganitong uri ng tao ang nakikita mong kinikilala o binibigyang pansin. Laganap ang mga patalastas na may kaugnayan sa pagpapaputi, para sa straight hair at pampapaseksi. Sa ganitong kaisipan, parang walang lugar sa lipunan ang mga kulot, maiitim at matataba.

Kung tutuusin, lahat ay maaaring gamitin ang sosyolohikal na pananaw. At mas madali itong gawin ng mga hindi kabilang sa lipunang pag-aaral, mas lalo’t higit sa mga hindi kabilang sa antas ng pag-aaralan. Halimbawa nito ang pagtingin sa buhay ng mahirap at mayaman. Mas madali para sa mga mahihirap na makita ang tunay na kalagayan at pangangailangan ng tao kumpara sa mga mayayamang halos lahat ay nasa kanila na.

Ganuon din ang sitwasyon ng mga may roong ibang kultura, mas madali nilang makita ang pagkakaiba ng kulturang pag-aaralan. Subalit dito mas dapat mag-ingat sapagkat baka magamit ang sariling kultura sa pagsukat ng ibang kultura.

About these ads
Categories: Uncategorized
  1. jayvee origenes
    01/07/2010 at 21:58 | #1

    astig to..tama!!

  2. 12/10/2010 at 20:55 | #2

    ,,tnx pu sa info..

  3. 12/10/2010 at 21:06 | #3

    malaki naitulong nyo… ty..

  4. Lianne
    14/11/2010 at 10:32 | #4

    thankzz .. for more information .

  5. 07/03/2011 at 11:53 | #5

    halimbawa ng akdang sosyolohikal

  6. rondie boie
    09/06/2011 at 17:35 | #7

    maraming maraming salamat po!!!!!! na kapasa na ako

  7. 30/08/2011 at 15:43 | #8

    ano ang katangian at layunin ng pananaw sosyolohikal?

  8. larry sajulga
    03/01/2012 at 15:27 | #9

    tama to astig………………………..

  9. 09291169633
    11/03/2012 at 21:30 | #10

    like ko to

  10. felix
    21/07/2012 at 12:22 | #11

    isang lantarang pagpapahayag ng diskriminasyon sa lipunan…maganda ‘to

  11. 24/09/2012 at 19:54 | #12

    ok tnx po!

  12. 24/09/2012 at 19:55 | #13

    helpful ^__^

  13. Lily
    09/10/2013 at 11:00 | #14

    Very helpful! I was making my Filipino essay and it helped me understand the topic. Thanks!

  14. wheng
    15/02/2014 at 21:27 | #15

    more info pls

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 3,066 other followers

%d bloggers like this: