Home > Uncategorized > sosyolohiya

sosyolohiya


Sosyolohiya

Iba-iba ang katangian ng bawat lipunan at pag-iisip ng bawat tao sa isang lipunan

Karamihan sa mga lipunan sa daigdig ang tinitingnang mas mahina ang kababaihan kaysa kalalakihan. Maaring bunga ito ng karanasan o bunga ng pagkondisyon ng lipunang kanilang ginagalawan. Ang kalagayang ito ay magbubunga ng magkaibang pagpapahalaga sa magkaibang kasarian, magkaibang paraan ng papapalaki at marami pang mga hindi pagkakatulad. Sa mahabang panahong ganito ang kaisipang lumalaganap, maaring maging ang aspetong bayolohikal ay magbago rin upang mag-adapt sa ganitong sitwasyon. Dahil din sa ganitong kalagayan, magbubunga rin ito ng mga pagkilos at panawagan para sa pagkapantay-pantay. Hindi kasi maaaring mapanatiling palaging iisang kaisipan ang namamayani sa lipunan.

Sa lipunang Pilipino, kapansin-pansing naniniwala ang karamihang mas maganda ang mapuputi kaysa sa mga kayumangging tunay na kulay nating mga Pilipino. Nangyayari na rin ito sa India. Dahil sa ganitong pag-iisip, mabiling mabili ang mga produktong pampaputi na maganda naman sa aspetong pang-ekonomiya. Bakit nga ba nabuo ang ganitong pag-iisip sa ating mga Pilipino?

Maraming lipunan ang nananatiling naghihirap samantalang sinasabing umuunlad sa pangkalahatan ang bansa. Paano maipaliliwanag ng mga datos na ito ang tunay na pangyayaring nagpapatuloy ang mahihirap at naghihirap lalo na sa bansa?

Paano rin maipaliliwanag ang hindi pag-angat ng buhay ng maraming mamamayang nakapagtapos naman sa kanilang pag-aaral? Paano rin bibigyang paliwanag ang mahabang panahon nang nagaganap na eleksyon subalit wala pa ring nagaganap na magandang pagbabago sa lipunan?

Napakaraming tanong. Napakaraming problema. Napakaraming hindi napagkakasunduan. Mahalagang maipaliwanag ito sana ay mabigyan din ng kasagutang nakabatay sa isang makaagham na pamamaraan. Dito nakatuon ang sosyolohiya – ang agham ng lipunan; ang makaagham na pag-aaral ng mga grupo at lipunang binuo at kinabibilangan ng mga tao at kung paaano ito nakaaapekto sa pag-iisip ng sangkatauhang kabilang sa lipunan.

Ang Sosyolohiya at ang Indibidwal

Katangian na siguro ng mga tao ang magreklamo lalo na sa Pilipinas. Patuloy kasi ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin subalit hindi naman tumataas ng sahod. Bunga nito ang kakapusan sa sariling panggastos. Madalas ding nagiging reklamo ang paninikip ng daloy ng trapikong madalas nating ginagamit na dahilan kapag tayo ay nahuhuli ng dating sa klase kahit na iba ang tunay na dahilan. Madalas nahihirapan tayong magbayad ng tuition fee at nasisi natin ang ating mga magulang sapagkat nahuli sila ng pagpapadala ng pera. Napakarami nating mga problema at hinaing na nakikita nating pansarili lamang. Wala namang mali sa pagrereklamo subalit dapat nating tingnang ang ating mga hinaing na bunga o kaugnay ng iba pang mga kaganapan. Halimbawa, bakit ba hindi kaagad nakapagpapadala ng pera ang ating mga magulang? Maaaring sila rin mismo ay kinapos ng panggastos dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, lumiit ang kita sa pamamasada, nangutang muna sa kakilala saka pa lamang nakapagpadala.

Sa sosyolohiya, tinitingnan natin ang sariling problema na kaugnay o bunga ng iba pang mga pangyayari sa lipunan.

Ang Sosyolohiya at ang maliliit na Pangkat ng mamamayan

Katangian ng mga hayop ang magpangkat-pangkat upang maprotektahan ang bawat kasapi nito. Katangian din ito ng mga tao. Sa ating mga Pilipino, mayroon pa nga tayong kasabihang “kaya matibay ang walis sapagkat nabibigkis” na tumutugon sa kaisipang dapat nagsasama-sama ang lahat. Bawat grupo ay may iba’t ibang karanasan kung paano sila nabuo at kung paano nila napananatili ang kanilang samahan. Mahalaga itong pag-aralan upang mapaghalawan ng iba pang mga magtatag ng samahan sa hinaharap

Ang Sosyolohiya at ang Lipunan

Maraming mga pagbabagong nagaganap sa lipunan. Mga pagbabagong maaaring tingnang nakasasama o nakabubuti sa lipunan sa kabuuang depende sa kung sino ang tumitingin. Halimbawa na lamang ang pagtingin sa tunggalian. Maaaring sabihing hindi ito magdudulot ng maganda subalit pwede natin itong tingnang makapagpatibay pa nga ng isang lipunan o ugat ng mga pagbabago sa lipunan. Kapag nagkaroon ng tunggalian ang magkarelasyon, kung maayos nila ito, magbubunga ito ng mas matibay na ugnayan samantalang kung hindi ay makahahalaw ng panibagong karanasan. Sa sosyolohiya, sinusuring mabuti ang mga kaganapan sa lipunan at kung paano ito makatutulong sa paglutas ng mga suliraning panlipunan.

Ang Sosyolohiya at Ikaw

Sa ayaw mo man at sa gusto, bahagi ka ng lipunan, ng mga pangkat sa lipunan at ikaw ay tao. Taong walang kawala sa lipunang iyong ginagalawan. Tanggapin man natin o hindi, hindi natin kayang takasan ang lipunan. Kahit nga lipunan ng mga patay ay pilit ka pa ring pinakikialaman ng lipunan ng mga buhay. Sa ganitong kalagayan mahalagang alamin natin ang ating lipunan nang sa gayon ay hindi lamang tayo nabubuhay kundi nabubuhay ng tunay na tao – may pakialam sa kapwa tao.

Ang Sosyolohiya bilang Agham

Agham ang Sosyolohiya. Ayon nga kay Auguste Comte, ito umano ang reyna ng lahat ng agham. Sumusunod ito sa teoryang positibismo na nagsasabing dapat ipaliwanag ang mga kaganapang panlipunan sa isang makaagham na pamamaraan. Hiniram nito ang pamamaraang ginagamit sa natural sciences upang ipaliwanag ang nangyayari sa lipunan. Ang lahat ng kaisipan sa sosyolohiya ay bunga ng isang masusing pag-aaral at hindi mula sa haka-haka lamang.

About these ads
Categories: Uncategorized
  1. Reynele Bren Zafra
    07/11/2010 at 18:33

    Ang husay naman nito. Natutuwa ako sa blog na ito. Sana marami ka pang maisulat. God bless:-)

  2. glenn
    07/11/2011 at 11:35

    salamat

  3. 10/10/2012 at 21:50

    syrene roma :
    grabe, ang galing ) nakatulong talaga siya sakin ^___^

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 3,067 other followers

%d bloggers like this: